Problema ng ABS-CBN, di usapin ng press freedom -National Press Club (NPC)

Naniniwala ang National Press Club (NPC) na hindi usapin ng press freedom ang kinakaharap na problema ng ABS-CBN.

Sa media forum, sinabi ni NPC President Rolly Gonzalo, hindi niya nakikita na may pagkitil sa kalayaan sa iniharap na quo warranto case laban sa higanteng network.

Aniya, isa itong simpleng kaso na nagsimula sa panunuba o estafa sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng ABS-CBN.

Magugunita, na inirereklamo ni Pangulong Duterte ang hindi nai-ereng political ads niya matapos na kolektahin na ang kaniyang bayad noong panahon ng kampanya, noong nakaraang Presidential election

Dagdag ni Gonzalo, kung totoong may pagkakamali ang ABS-CBN ay marapat lamang na ito ay parusahan.

Gayunpaman, hindi dapat na ang parusa ay magbubunsod sa pagsasara at pagkawala ng trabaho ng libo-libong manggagawa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.