Problema sa trapik, kayang solusyonan – Sec. Panelo

Tiniyak ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na kumikilos ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno para masolusyonan ang problema sa transportasyon at grabeng trapik.

watch the video here:

Ang pahayag ay ginawa ng tagapagsalita ng Palasyo matapos makumpleto nito ang commute challenge, na tumagal ng higit tatlong oras mula sa kanilang bahay sa Marikina hanggang Malacañang.

Ayon kay Panelo, alam partikular ng Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suliranin, at ginagawa naman aniya ng mga ito ang lahat para masolusyonan ang kalbaryong dinaranas ng mga commuter, at mga motoristang araw-araw ay sumasagupa sa pakikipagsiksikan sa pagsakay at bumubuno sa trapik.

Kanina ay nakaranas din ng trapik si Panelo sa kahabaan ng Ramon Magsaysay galing ng Gilmore LRT station patungong J.P. Laurel hanggang sa makarating ng kanyang opisina sa Malacañang.

Sa lahat ng ito ay binigyang diin ni Panelo, na sa bawat problema ay may katapat na solusyon at remedyong naka-antabay.

Samantala, Iginiit ni Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) Secretary General Renato Reyes Jr na isang patunay ng mass transport crisis ang pag-abot ng biyahe ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ng halos tatlong oras itinagal mula Marikina to Malacañang.

“Bagamat halos apat na oras ang biniyahe at naka-apat na palit ng jeep at isang angkas bago nakarating sa Malacañang, which only proves our point na mayroon talagang mass transport crisis,” ani Reyes.

“Kung aalis ka ng alas-singko ng umaga sa iyong bahay at late ka pa rin, hindi ka aabot doon sa alas otso na oras para sa gobyerno, talagang mayroong seryosong problema tayo,” dagdag pa nito.

Gusto pa aniya sumabay kay Panelo at sinabing “parang ayaw naman niya akong kasabay.”

“Ang gusto ko ho talaga sanang mangyari, magkausap kami habang bumibiyahe para… ‘yung 3.5 hours niya, magkaroon naman ng kabuluhan at marinig niya ang hinaing ng commuters,” saad pa nito.

Hinimok naman ng grupo ang gobyerno na imbestigahan ang isyu ng korupsyon sa mga ahensya kabilang na ang MMDA, LTFRB, DOTr, at LRTA.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.