Proteksyon ng kabataan mula sa NPA, ipinanawagan ng NTF-ELCAC

Nanawagan si National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Undersecretary Lorraine Marie Badoy sa lahat ng sektor na protektahan ang mga kabataan mula sa recruitment ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Usec. Badoy, maraming kabataan ang na-recruit ng NPA sa mga unibersidad batay na rin sa testimonya ng mga dating rebelde.

Ang mga rebelasyon sa Senate inquiry ng mga dating rebeldeng sina  “Ka Amihan,” “Ka Red” at “Ka Chan-Chan,” tungkol sa recruitment activities ng NPA sa mga paaralan ay dapat aniyang seryosohin.

Sinabi ni Usec. Badoy na bukod sa pagpapatupad ng mga programa na makakahikayat sa mga rebelde na magbalik-loob, nakatutok din ang NTF-ELCAC sa paghadlang ng mga recruitment activities ng NPA sa mga kabataan.

Pero kailangan aniya nila ang tulong ng mga lider, mga mambabatas, mga guro at mga magulang upang mamulat ang mga mata ng kabataan na ang tunay na kalaban ng bansa ay ang mga komunista.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.