Protesta ni Bongbong Marcos laban kay VP Leni, pinagkomento ng PET

Ipinag-utos ng Supreme Court na tumatayong Presidential Electoral Tribunal ang pagbigay ng kopya ng kanilang resolusyon na inilabas noong October 15, 2019 sa Comelec at OSG.

Ang kautusan ay nag-aatas na ilabas ang resulta ng vote-recount, sa tatlong probinsiya sa VP-Electoral Protest ni dating Senador Bong-bong Marcos laban kay VP-Leni Robredo.

Inatasan din ng PET ang Comelec na mag-report sa kanila kung:

1. May naihain bang petition for failure of election sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.

2. Denied ba o hindi ang naturang petisyon.

3. Kung nagkaroon ba ng special election sa lugar.

4. Ang resulta ng special election kung nagkaroon man.

Inatasan din ng Korte Suprema ang Comelec na magkomento kaugnay sa 3rd cause of action ng election protest, partikular sa annulment of elections, base sa terorismo, pananakot sa mga botante at pre-shading umano sa mga balota sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.

Pinagko-komento din ng High-Tribunal ang Comelec at OSG kung gagarantiyahan ba ang PET na magdeklara ng annulment of elections ng walang special elections, gayundin ang mag-deklara ng failure of elections at mag-utos na magkaroon ng special elections.

Ang kampo naman nina Bong-bong Marcos at Robredo, pinagko-komento sa loob ng 15 araw matapos nilang matanggap ang isusumiteng sagot ng Comelec at Office of the Solicitor General.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.