Protesta sa SONA tuloy, Renato Reyes sinabing hindi sila susunod sa IATF dahil hindi naman sila ang batas

Hindi magpapatinag ang ilang activist group sa direktiba ng Inter-Agency Task Force at Department of Interior and Local Government na giniit ang pagbabawal sa mass gathering ilang araw bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, wala silang magagawa kundi suwayin ang gobyerno sa pagbabawal sa protesta sa SONA dahil itutuloy pa rin nila ang kanilang rally sa Lunes.

“We are left with no choice but to defy the DILG Memorandum on holding protests in time for Duterte’s SONA. We will proceed as planned with the protests along Commonwealth Ave. DILG and the IATF-EID can be assured, however, that we will observe necessary health protocols and physical distancing during the protests,” ayon kay KMP chairman Danilo Ramos.

Hindi umano papalampasin ng KMP ang taunang SONA para isigaw ang kanilang mga hinaing sa administrasyon.

“Ang SONA ay araw ng paniningil. The country and majority of the population are enduring deep poverty and hardship. Duterte, for his part, managed to rechannel billions of public funds to his cronies and bankrupted the domestic economy and government,” giit ni Ramos..

The past months under a militarist COVID-19 lockdown brought out the worst in the Duterte government — it shut down ABS-CBN media network and rendered jobless more than 11,000 employees and hastily enacted a new terror law in the midst of a global pandemic. COVID-19 cases are quickly rising to reach the 80,000-mark, further overwhelming hospitals, and fatigued health workers. Duterte must be made accountable for the country’s chaotic situation,” aniya pa.

Ganito rin ang saloobin ni Bagong Alyansang Makabayan Secretary General Renato Reyes, na sinabing hindi sila susunod sa IATF dahil hindi naman sila ang batas, at pinatamaan pa si NCRPO chief Debold Sinas na nalusot ang mass gathering sa kanyang birthday mañanita.

“Napaka-desperado ng last minute memo na nilabas nila. Paalala. Ang IATF guidelines ay hindi batas. Hindi ito mas mataas sa konstitusyon at hindi dapat gamitin para labagin ang saligang karapatan ng mamamayan,” pahad ni Reyes.

“Kung ang Mananita nga noong June 12 ay hindi nila napigilan, ang #SONAgKAISA pa kaya? At tulad noon, lahat ng dapat na health protocols ay ating ipapatupad – face masks, physical distancing, disinfectants, at pinaikling programa.”

Samantala, inanunsyo na ng Quezon City local government na ititigil nila ang pagbibigay ng permit para sa protesta sa SONA alinsunod sa utos ng IATF.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.