Provincial board member ng Quezon na nagkanlong sa 2 lider ng NPA, pinakakasuhan ng DILG

Ipinag-utos na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ang pagsasampa ng kaso laban sa Provincial Board Member ng Quezon, dahil sa pagkanlong sa dalawang mataas na lider ng New People’s Army (NPA).

Mismong sa bahay ni 4th District Provincial Board Member Rhodora Tan sa Atimonan, Quezon, naaresto ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga lider ng NPA, noong December 26.

Sinabi ni Secretary Año, na dapat lang kasuhan ng kriminal at administratibo ang local official, na dapat ay nangunguna sa pagtaguyod at pagprotekta sa interes at kapakanan ng publiko.

Sa bisa ng warrant of arrest, naaresto sina Ruel Custodio alias “Baste” at Ruben Istokado alias “Oyo Miles,” sa bahay ng board member dahil sa kasong kidnapping at illegal possession of firearms.

Si Custodio ay finance officer ng Sub-Regional Military Area-4 ng Southern Tagalog Regional Party Committee, habang si Istokado ay political instructor ng L1, KP1 ng Bicol Regional Party Committee ng CPP-NPA.

Sabi ni Año, patong-patong na kaso ang kakaharapin ni Tan na posibleng ikakatanggal niya sa puwesto at makulong.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.