Proyektong pagkakabit ng CCTV ng gobyerno parang Pinoy Big Brother

Inihambing ni Interior Secretary Eduardo Año sa isang sikat na reality show ang programa ng pamahalaan na paglalagay ng mga closed-circuit television (CCTV) camera sa mga pangunahing lansangan sa bansa.

Ani Año, layunin ng proyekto na maglakad ng 24 oras ang mga Pilipino nang walang pangamba sa anumang krimen.

“‘Yan ang gusto sana nating ma-achieve, ang ating mga kababayan naglalakad ng 24 oras na walang pangamba ng anumang krimen. Maaari ngang ihambing ang layuning proyekto sa ideya ng Pinoy Big Brother House, isang sikat na reality TV show sa bansa,” aniya.

“Lahat ng kilos o galaw ng mga housemate ay nakikita ni Big Brother, at ang big brother natin ay ang authorities, ang ating authorities na siyang gagawa ng hakbang o kaukulang aksyon para mapigilan ang anumang krimen,” paliwanag niya pa.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.