PRRD at Mayor Sara Duterte, kapwa nanguna sa Presidential at Vice Presidential survey

Kapwa nangunguna sa survey bilang Pangulo at Pangalawang Pangulo sina Pangulong Rodrigo Duterte at anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ang resulta ng isinagawang survey ng Pulse Asia Research Incorporated, noong June 7 hanggang June 16.

Lumalabas sa datos, 28 percent ng mga adult Filipino ang iboboto si Mayor Sara Duterte bilang Presidente, habang 18 percent ng mga Pilipino ang boboto kay Pangulong Duterte bilang Bise Presidente.

Pumangalawa naman si Manila Mayor Isko Moreno sa mga iboboto ng mga Filipino adult, na may 14 percent; na sinundan ni dating Senator Ferdinand Bongbong Marcos, na nasa 13 percent; Sen. Grace Poe na may 10 percent; at Sen. Manny Pacquiao na may 8 percent.

Nasa pang anim na pwesto si Vice President Leni Robredo na nakakuha ng 6 percent; Sen. Panfilo Lavson na may 4 percent; Sen. Christopher Lawrence Bong Go na may 3 percent; habang tig 2 percent naman sina dating Vice Pres. Jejomar Binay, Rep. Alan Peter Cayetano; at dating Sen. Antonio Trillanes IV.

Ang Mindanao ang siyang pinakamalaking porsiyento na pinagkunan ng boto ni Mayor Sara Duterte, na nasa 62 percent; habang ang National Capital Region naman ay kapwa nakuha nina Mayor Isko Moreno na may 23 percent; at dating Sen. Ferdinand Bongbong Marcos na may 22 percent.

Nanguna rin si Mayor Inday sa Class E voters o mga mahihirap na Pilipino, sa mga napili nilang kandidato bilang susunod na Pangulo.

Sa Vice Presidential survey naman, pumangalawa kay Pangulong Duterte si Manila Mayor Isko Moreno na mayroong 14 percent; na sinundan nina Senate Pres. Vicente Sotto III at dating Sen. Ferdinand Bongbong Marcos na mayroong tig 10percent; at Sen. Manny Pacquiao na may 9 percent.

Ang Mindanao din ang may malaking ambag na 35 percent sa nais piliin si Pangulong Duterte bilang susunod na bise presidente, habang si Moreno naman ang nais ng mga taga NCR na nasa 19 percent; at 11 percent naman sa Pangulo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.