PRRD: Cebu City local officials nagpabaya at nagturuan kung sino dapat sisihin kaya tumaas ang kaso ng Covid-19

Bagaman at walang binanggit na pangalan, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang kanyang desisyon na italaga si DENR Chief Roy cimatu sa Cebu City ay dahil ang local executives doon ay nagtuturuan kung sino ang dapat sisihin sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa kanilang lugar.

“I know that there is someone who oversees the situation in Cebu because in Cebu people are pointing fingers at each other, there are people who cast blame, people who disagree, people who are jealous. That’s it. So that’s the — the problem there. But I am not referring to any particular person. I am just sad that Cebu has to undergo that kind of painful situation now,” ayon sa Pangulo.

Tinukoy niya na naaantala ang mga programa ng gobyerno kapag nagtuturuan na ang mga opisyal kung sino ang dapat sisihin.

“It’s not that I do not trust your ability but rather I said it’s the penchant to go into a sort of blame each other and then nobody would answer for anything,” ayon sa Pangulo.

Hindi aniya lalala ang problema kung ang mga opisyal ay maayos na ipinatupad ang quarantine protocols na inihanda ng IATF.

“Why are there many cases? Because you were too confident and too complacent about it. It’s as if you ignored it, and it came,” aniya.

Inatasan ng Pangulo ang Cebu City local officials na itigil na ang “blame game” at sa halip ay magpatupad ng mga panuntunan para mapigilan ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Covid-19.

“There were rules imposed hoping that at least not everybody but a majority will honor at least rules and regulations promulgated by government for your own good,” ayon pa sa Pangulo.

Ibinalik ang Cebu City sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) sanhi ng patuloy na pagdami ng kaso ng Covid-19.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.