PRRD, humingi ng tulong sa Singapore para sa plantang kayang gawing inumin ang tubig dagat

watch the video here:

Nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na bukas ang pamahalaan sa anomang payo mula sa Singapore, kaugnay ng kinahaharap na usapin ng bansa sa supply ng tubig sa Metro Manila.

Kasabay ng presentation of credentials ni Singapore Ambassador to the Philippines Gerard Ho Wei Hong sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na kailangan ng bansa ang mga payo mula sa Singapore, lalo sa usapin sa tubig.

Aniya, tiwala siyang malayo ang mararating ng mga payo na ito sa pagtugon ng problema ng Pilipinas sa tubig, lalo’t isa ang Singapore sa mga bansang may pinaka-epektibong makina upang matanggal ang asin sa tubig alat para magamit ito bilang inumin.

Hangad rin ng Pangulo ang pagiging produktibo ng pananatili sa bansa ng bagong Singaporean Ambassador, kasabay ng pagsabing nagagalak siya sa pagdating nito sa Pilipinas.

Ang Singapore ay kilala sa paggamit ng makabagong innovation, kung saan gumagamit sila ng recycled water para sa kanilang pang-araw-araw na buhay. 

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.