PRRD inaprubahan ang kasong kriminal, administratibo vs. Morales at iba pang Philhealth officials

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng task force PhilHealth na sampahan ng kasong kriminal at administratibo ang nagbitiw na si Philippine Health Insurance Corp. Ricardo Morales at ilang executives kaugnay sa iregularidad sa state insurer.

Mismong si Pangulong Duterte ang nagbasa ng rekomendasyon ng task force sa public address nito, Lunes ng gabi.

“I’m sorry for them but they will have to undergo trial,” ayon kay Pangulong Duterte.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Presidential spokesperson Harry Roque na inaprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng task force on PhilHealth.

Kabilang sa mga sasampahan ng kasong kriminal at administratibo ay sina Morales, Senior Vice President (SVP) Jovita Aragona, Officer in Charge Calixto Gabuya Jr., SVP Renato Limsiaco Jr., SVP Israel Pargas, Executive Vice President and Chief Operating Officer Arnel de Jesus, at Division Chief Bobby Crisostomo.

Sinabi naman ng Department of Justice na isinumite ng task force ang kanilang report kay Pangulong Duterte araw ng Lunes.

Para naman sa task force, ang mga ebidensiya at resulta ng kanilang imbestigasyon ay nagbigay suporta sa kanilang konklusyon na may ilang opisyal ng PhilHealth ang lumabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.