PRRD kay Mar Roxas at Pnoy, SAF44 Mamasapano Massacre, bakit pulis at hindi militar at walang tulong?

watch the video here:

Kinuwestyon ni Pangulong Duterte kung bakit hindi nagpadala sina dating Pres. Noynoy Aquino at dating DILG Sec. Mar Roxas ng reinforcement sa nangyaring engkuwentro na ikinasawi ng SAF 44 sa Mamasapano, Maguindanao. Tinanong din ng Pangulo kung bakit mga pulis at hindi militar ang ipinadala sa operasyon.

Sinayang ni dating senador at Interior Secretary Mar Roxas ang buhay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) na napunta sa wala matapos ang kontrobersyal na Mamasapano encounter noong 2015.

Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte sa PDP-LABAN Cagayan Campaign Rally sa Cagayan Sports Coliseum, Cagayan Sports Complex Compound, Caritan Centro Tuguegarao City, Cagayan Martes ng gabi ay sinabi nito na hangggang sa ngayon ay hindi pa naipaliliwanag ni Roxas at ng dating administrasyon kung bakit ang 44 na miyermbro ng SAF ang ipinadala para sa operasyon.

“He wasted 44 lives for nothing. They could not even explain why it was the police who went there… hanggang ngayon hindi niya sinagot ito,” diing pahayag ni Pangulong Duterte.

Si Roxas ang dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nang maganap ang Mamasapano encounter.

Matatandaang, napatay ang SAF 44 sa pakikipagsagupa sa mga Moro sa Mamasapano, Maguindanao.

Sinabi ng Pangulo na hindi pamilyar ang SAF 44 sa terrain at walang naipadalang tulong para sa mga ito.

Kaya nga, dismayado siya sa naging tanong ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa mga heneral kung ano ang dapat na ginawa ng mga ito kung sila ang nasa sitwasyon.

“Nag-upo na kami doon, andyan ‘yung mga general, tinanong niya (dating Pangulong Aquino) ‘yung mga general… tapos tinanong niya, ‘Kung ikaw general kung ikaw ang nandoon, anong gawin mo?’ PI* tumindig ako sabi ko Mr. President I have a flight, I have to… tumindig ako because it was a very stupid… magtanong ka ng ganun, natapos na ang araw, patay na ang mga sundalo ko… tumindig ako,” anito

Facebook Comments

1 thought on “PRRD kay Mar Roxas at Pnoy, SAF44 Mamasapano Massacre, bakit pulis at hindi militar at walang tulong?

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.