PRRD kay Pacquiao: Name corrupt or ‘I’ll campaign against you’

Hinamon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Manny Pacquiao na pangalanan ang mga corrupt officials sa gobyerno para patunayan ang sinabi nito na naging malala ang korapsyon sa ilalim ng Duterte administration.

“If you fail to do that, I will campaign against you because you’re not doing your duty. Do it. If not, I will just tell the people, ‘Do not vote for Pacquiao because he is a liar,’” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

“I put you on notice. Isasabi ko lahat at kakalabanin kita (sa) panahon ng election. ‘Pag hindi, you’ll just be another son of a bitch playing politics,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

Subalit, kapag nakapagbigay naman ng pangalan si Pacquiao ng mga kurakot na opisyal ng pamahalaan ay kaagad siyang gagawa ng hakbang sa bagay na ito.

Napaulat na sinabi ni Pacquiao na prayoridad niyang tuldukan ang korapsyon kapag nagdesisyon siyang tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 electioons.

“Si Pacquiao salita nang salita na three times daw tayong mas corrupt so I am challenging him, ituro mo ang opisina na corrupt at ako na ang bahala within one week may gawin ako,” ayo sa Pangulo.

“‘Di ba ang sabi ko noon if you come to know that there is corruption, let me know? Give me the office. Ganoon ang dapat ginawa mo… Wala ka namang sinabi all these years. Puro ka praises nang praises sa’kin tapos ngayon sabihin mo corrupt,” aniya pa rin.

Binasura rin ng Punong Ehekutibo ang pangako ni Pacquiao na magpapatayo ng pabahay para sa lahat ng mga filipino “in six years time.”

Sinabi rin kasi ng Pambansang Kamao na magpapatayo rin siya ng pabahay para sa lahat ng mga Filipino.

“Do not ever think that if you will win as president na wala nang corruption dito sa Pilipinas,” ang sinabi n Pangulong Duterte kay Pacquiao.

“And for your dream of giving everybody houses in six years time, just like what Senator Enrile said, good luck na lang. You must be dreaming,” dagdag na pahayag ng Chief Executive.

Matatandaang , binatikos ng Pangulo si Pacquiao makaraang magpahayag ang huli na nakukulangan siya sa nagiging hakbang ng pamahalaan sa usapin ng West Philippine Sea.

Giit ng Pangulo, kailangan pa ni Pacquiao na pag-aralan ang usapin bago magbigay ng kahit na anumang komento.

Samantala si Pangulong Duterte ang Party chair ng PDP-Laban na tumkabo at nanalo noong 2016 habang si Pacquiao ang presidente ng partido.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.