PRRD nilagdaan ang Proclamation 1021 na isinasailalim ang buong bansa sa state of calamity hanggang September 2021

Pinalawig na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang State of Calamity sa buong Pilipinas, sa gitna pa rin ng nararanasang banta ng COVID- 19 sa bansa.

Base sa Proclamation No. 1021, na ibinaba ng Palasyo, nakasaad na tatagal ang deklarasyon sa loob ng isang taon o hanggang September 12, 2021. Maliban na lamang kung i-lift o alisin ito ng mas maaga.

Nakasaad sa proklamasyon, na inaatasan ang lahat ng government agencies at local government units (LGUs) sa bansa, na magbigay ng full assistance at magkipagtulungan sa isa’t isa, at i-mobilize ang mga kinakailangang resources, para sa angkop at mabilis na disaster response aid o measure para matuldukan ang banta ng COVID-19 sa bansa.

Inaatasan rin ang mga law enforcement agency, sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na gawin ang mga necessary measure upang mapanatili ang peace and order sa mga apektadong lugar ng COVID-19.

Sa ilalim ng State of Calamity, mabibigyan ng mas mabilis at mas malawak na access ang pamahalaan sa kinakailangan nitong pondo upang tugunan ang virus.

Nilagdaan ng Pangulo ang proklamasyon ika-16 ngayong buwan ng Setyembre, 2020.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.