PRRD pinangunahan ang pagbubukas ng bagong Estrella Pantaleon Bridge

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya ng bagong Estrella Pantaleon Bridge na nagkokonekta sa mga lungsod ng Makati at Mandaluyong.

Pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte ang bansang China sa tulong pinansyal para sa tulay.

Ayon naman kay Sec. Mark villar ng DPWH, umaabot sa ₱1.46-B pondo ang nagamit sa Estrella Pantaleon Bridge.

Sa ngayon mararating na ang Makati – Mandaluyong vice versa sa loob lamang ng 5 minuto.

Inaasahang makatutulong ang 4-lane bridge upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA partikular na sa Guadalupe area kung maserbisyuhan nito ang nasa 50,000 sasakyan kada araw.

Sa huli ay muling binigyang diin ni Pangulong Duterte na makasisiguro ang mga mamamayang Pilipino na magtutuloy tuloy ang mga proyektong pangkaunlaran sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.