PRRD, tanggap na tali ang kamay para ilantad sa taumbayan ang mga kongresista na umano’y nakikinabang sa komisyon mula sa mga contractor

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na pigil ang kanyang kamay para isiwalat sa harap ng publiko ang mga kongresista o mambabatas na nakikipagkuntsabahan at mga palahingi ng komisyon sa mga contractor.

Sa harap ito ng hawak na ng Pangulo na listahan ng mga congressmen na sangkot sa naturang klase ng iregularidad na isinumite sa kanya ng Presidential Anti-.Corruption Commission (PACC).

Ipinaliwanag ng Pangulo na kung ibubunyag niya sa publiko ang mga kongresista na sabit sa katiwalian, ito aniya’y panghihimasok na sa tinatawag na “separation of powers.”

Ang tanging magagawa na lamang aniya niya’y iakyat ang pangalan ng mga kongresista sa Ombudsman sa gitna ng alegasyong nakikinabang ang mga ito sa mga proyekto sa pamamagitan ng kickback.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi siya naghuhugas kamay at bagkus ay kanya lamang sinusunod ang batas hinggil sa “separation of powers” at kawalan ng hurisdiksiyon ng Ehekutibo sa sangay ng Lehislatura.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.