PRRD tiniyak ang hustisya at katotohanan sa mga naiwang pamilya ng umanoy Jolo Sulu misencounter

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na maibibigay ang kaukulang hustisya para sa mga naiwang pamilya ng nangyaring umanong shooting incident o misencounter sa Jolo, Sulu.

Sa pagharap ng Commander in Chief sa tropa ng mga sundalo sa
Kuta Heneral Teodulfo Bautista Headquarters sa Jolo, Sulu , sinabi nitong sisiguraduhin niyang lalabas ang katotohanan sa nangyaring trahedya.

Pabor man aniya sa militar o sa hanay ng mga pulis ang kalalabasan ng isinasagawang imbestigasyon, siniguro ng Pangulo na tiyak na lalabas ang totoo at mula dito ay maisisilbi ang hustisya kung sinoman sa insidente ang mga biktima.

Isolated incident ayon sa Chief Executive ang nangyari na sana ay huwag nang umabot pa sa pagkapoot sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng NBI sa insidente na kung saan, apat na military intel officers ang nalagas mula sa siyam na kagawad ng PNP.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.