PSG chief, ipatatawag ni Sen. Drilon sa gagawing COVID-19 vaccine plan probe

Nakatakdang ipatawag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Presidential Security Group (PSG) Commander Brig. Gen. Jesus Durante III, na umamin na nagpaturok ng di rehistradong bakuna laban sa COVID-19 ang ilang miyembro nito sa gagawing imbestigasyon ng Senate Committee of the Whole hinggil sa plano ng pamahalaan pagbili ng bakuna.

Sa pahayag, sinabi ni Drilon na kailangan ipatawag ang PSG Commander at humarap sa komite upang magpaliwanag sa naturang isyu,

“The most important ‘who’ and ‘how’ of the story remains a mystery. The PSG commander is deliberately withholding the basic questions of who and how from the public,” ayon kay Drilon.

Inako ni Durante ang “full responsibility” sa pagtuturok ng di rehistradong bakuna sa miyembro ng PSG, nang hindi nalalaman ng Pangulo o alinmang ahensiya ng pamahalaan.

“All they give to the public are alibis, excuses and lies. There is more to it that will be revealed to the committee once Brig. Gen. Durante appears in our hearing. The Senate must summon the PSG commander,” ayon kay Drilon.

“Who else was involved? How did unregistered Covid-19 vaccines enter the country? Who imported it from China?” dagdag ng senador.

Dahil dito, mahigpit na sinuportahan ni Drilon ang isasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isyu. Naunang pinangunahan ni Drilon ang panawagan laban sa illegal administration ng China-made na bakuna sa ilang miyembro ng Gabinetem PSG at militar.

“I support the order of Justice Secretary Menardo Guevarra for the NBI to look into unauthorized inoculations against COVID-19 using unregistered vaccines. Laws appear to have been violated. The DOJ and the NBI are mandated by law to investigate. No one is above the law. The Rule of Law must be the rule, rather than an exception,” ayon kay Drilon.

“The Food and Drug Administration Law or Republic Act No. 3720, as amended by Republic Act No. 9711, prohibits the “manufacture, importation, exportation, sale, offering for sale, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertising, or sponsorship of any health product that is adulterated, unregistered or misbranded or any health product which, although requiring registration, is not registered with the FDA pursuant to this Act,” paliwanag pa ni Drilon.

Ibinabala pa ni Drilon na mahaharap sa pagkakakulong mula 1 hanggang 10 taon omultang P50,000 hanggang P500,000 o pareho ang sinumang sangkot sa pagtuturok ng ilegal na bakuna kabilang ang manufacturer, importer o distributor na may mas matinding parusa na mula 5 hanggang 10 taong pagkakakulong at multang P500K hanggangP5 milyon.

“The FDA’s assertion that it has not given any Emergency Use Authorization to any vaccine for Covid-19 is enough basis to prosecute those involved in this illegal inoculation. Our authorities should look into it and prosecute those involved,” giit niya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.