PSG, Presidential chopper lumanding sa The Medical City, isang flight at proficiency testing lamang

Nilinaw ng Presidential Security Group (PSG) na normal lamang ang ginawang pag-landing ng presidential chopper sa mga ospital sa Metro Manila.

Ang pahayag na ito ni PSG Commander Col. Jesus Durante III ay makaraang mag-landing ang isang presidential chopper sa The Medical City, Biyernes, July 24 ng gabi.

Ayon kay Col. Durante, flight at proficiency training lamang ito ng mga piloto, at hindi sakay ng mga ito si Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala aniyang dapat ikatakot dito dahil regular nila itong ginagawa sa mga gusali at ospital na mayroong helipad tulad ng sa The Medical City, St. Lukes at iba pang bahagi ng Metro Manila.

Dagdag pa ni Col. Durante, bahagi na rin ito ng kanilang preperasyon para sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Lunes, kaya’t asahan na hanggang Linggo magpapatuloy ang mga ganitong aktibidad.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.