Public at private cemeteries sa Metro Manila, ipinasasara ng isang linggo sa darating na Undas

Inirekomenda ng Metro Manila Council sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) ang pagpapasara sa mga sementeryo sa loob ng isang linggo sa paggunita ng Undas.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, ipinanukala ng mga alkalde sa IATF na isara ang pampubliko at pribadong mga sementeryo mula October 28 hanggang November 4.

Naging unanimous aniya ang desisyon ng Metro Manila mayors na ipagbawal ang mass gathering sa kanilang areas of jurisdiction para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).

Gayunman, ipauubaya ng local chief executives sa IATF ang pag-apruba sa rekomendasyon ng governing at policy-making body o pagtatakda ng petsa ng pagsasara ng mga sementeryo.

Ipinunto ni Garcia na nais ng mga alkalde na maiwasan ang pagdagsa ng mga bibisita sa puntod ng mga yumao sa All Saints’ Day at All Souls’ Day laban sa local transmission ng virus.

Una rito, inanunsyo ng ilang LGU kabilang ang lungsod ng Maynila, Marikina, at Muntinlupa na isasara ang mga sementeryo sa paggunita sa Undas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.