Publiko pinayuhang manatili sa loob ng bahay, kaso ng Covid-19 patuloy pa rin ang pagtaas

Muling nagpaalala si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa publiko noong Hunyo 16 na manatili lang muna sa loob ng kanilang mga tirahan matapos isailalim na muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Visayas sa mas mahigpit na quarantine protocols sanhi ng mataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Sa ginanap na virtual network news briefing, pinayuhan niya ang mga “too curious” na Pinoy na huwag suwayin ang mahigpit na health protocols, partikular sa mga lugar na mataas ang kaso ng virus.

“Alam ninyo po, walang mali sa paggagalugad ng kaalaman, ngunit sa pagkakataong ito, huwag munang mag-eksperimento ng kung anu-ano. Makinig po tayo sa eksperto. Sundin muna natin ang mga alituntunin na ipinatutupad ng gobyerno,” ayon sa kalihim.

Pinayuhan din niya ang mga residente ng Cebu City at Talisay City, na iwasang sumuway sa rules and regulations ng national and local governments.

“Sa ating mga kababayan na nananatili pa rin sa GCQ at worse, bumalik na sa ECQ, please naman po, ang inyong pamahalaan ay nakikiusap sa inyo na huwag namang maging curious masyado. ‘Wag mag-eksperimento,” ayon pa kay Andanar.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.