Pulis na pumatay sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac, ‘di na bago sa mga kasong administratibo

Matagal na umanong may mga administratibo at kriminal na kaso ang pulis na pumatay sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac, ayon sa isang opisyal ng Philippine National Police ngayong Lunes.

Sa datos na inilabas ni Police Brigadier General Valeriano De Leon, nahaharap sa grave misconduct (homicide) cases si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca, subalit na-dismiss umano ito dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Noong 2016, kinasuhan din si Nuezca ng neglect of duty sa kabiguang sumipot sa korte bilang witness sa isang drug-related case. Wala ring nangyari sa kaso, dagdag pa ni De Leon.

Kinasuhan din si Nuezca noong 2014 dahil sa pagtanggi umano nitong sumailalim sa drug test, ayon sa record na umalis umano ito sa testing area nang walang pahintulot sa otoridad.

Dahil dito, pinatawan siya ng 31-araw na suspensyon.

Noong 2013 din ay isa pang administrative case (grave misconduct) ang kinaharap ng pulis na wala ring nangyari.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.