Pulis na sinabuyan ng taho sa MRT, pinarangalan ni PNP Chief Albayalde

Pulis na sinabuyan ng taho ng Chinese national sa MRT, pinarangalan sa Camp Crame

Pinarangalan ngayong umaga ng pamunuan ng Philippine National Polic (PNP) sa Camp Crame, ang pulis na sinabuyan ng taho ng babaeng Chinese National sa Metro Rail Transit 3 (MRT-3).

watch the video here:

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar, ito’y dahil maituturing na huwarang pulis si PO1 William Cristobal, na nanatiling mahinahon sa kabila ng pambabastos na ginawa sa kanya ng dayuhan.

Si Cristobal ang pulis na naka-assign sa MRT-3-Boni Station na sinabuyan ng taho ng 23-anyos na Chinese National na si Jiale Zhang noong Sabado, matapos pagbawalan ng mga guwardiya sa pagdadala ng likido sa tren.

Kahapon, pormal nang sinampahan ng pulisya si Zhang ng mga kasong Unjust Vexation, Assault at Disobedience to Agent of Person in Authority sa Mandaluyong City Prosecutors Office

Inaasahan namang magpapalabas ng resolusyon ang piskalya ngayon ding araw na ito kung dapat ba o hindi na ipatapon ang dayuhan pabalik sa Tsina.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.