Pulse Asia, idinepensa ang mataas na approval rating ni Pangulong Duterte

Dinepensahan ng Pulse Asia ang inilabas nitong datos, kaugnay sa mataas na grado na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa huling survey nito.

Sinabi ni Ronnie Holmes, Pangulo ng Pulse Asia, walang manipulasyong naganap sa isinagawa nilang pagtatanong sa online at phone patch survey na ginawa ng kanilang tanggapan.

Sabi ni Holmes, parehong methodology at mga tanong ang kanilang ginamit sa huling survey, gaya ng pamamaraan na kanilang ginawa sa nakalipas na dalawampung taon.

Isa rin daw independent organization ang Pulse Asia, at walang maaaring magdikta sa kanila sa datos na kanilang inilabas.

Sa survey na kanilang ginawa, si Pangulong Rodrigo Duterte ang nakakuha ng mataas na grado, kung saan pumalo sa 91 percent ang performance approval rating nito.

Nasa 54 percent naman ang approval rating ni Vice President Leni Robredo, 84 percent kay Senate President Tito Sotto, 70 percent naman si House Speaker Alan Peter Cayetano, at 44 percent naman ang nakuha ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.