QC gov’t, nagtayo na ng temporary field hospital sa QC Circle para sa COVID patients

Ginawa nang temporary field hospital ang covered court ng Quezon Memorial Circle para sa mga patients under investigation at monitoring ng COVID-19 sa lungsod.

Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office, ang pasilidad na magsisilbing quarantine area ay pangangasiwaan ng mga doctors at healthcare workers mula sa Quezon City Health Department.

Ginawa ng LGU ang hakbang para ganap na matutukan ang mga pasyenteng nahawaan ng coronavirus disease.

Kaugnay nito ililipat na ang pito sa 14 na COVID patients sa isang hotel na una nang ginawang quarantine facility sa lungsod.

Sila ang mga PUI at PUM na pinauwi ng hospital sa kanilang bahay na hindi ipinaalam sa lokal na pamahalaan.

Yung iba namang PUIs na nakakaangat sa buhay ay mas pinili na lamang na manatili sa kanilang bahay habang sumasailalim sa home quarantine.

Base sa tala ng QC LGU, abot na sa 65 ang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 hanggang kahapon ng umaga.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.