QC Mayor Belmonte, naniniwalang expression lang ng Task Force Disiplina head ang sinabing ‘shoot to kill’ sa quarantine violators

Umani ng batikos ang naging pahayag ng pinuno ng Quezon City Task Force Disiplina sa kanyang Facebook post na nagbanta ng ‘shoot-to-kill’ laban sa mga violators ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sinisisi umano ni Quezon City Task Force Disiplina Head Rannie Ludovica ang mga residente ng Everlasting Street sa Barangay Holy Spirit dahil sa pagkalat ng COVID-19.

Sinabi naman ni QC Mayor Joy Belmonte ang personal na post ni Ludovica ay hindi sumasalamin sa mga polisiya ng lungsod.

Aminado ang alkalde na mali ang ginawa ng opisyal at pinapayuhan ang mga netizens na huwag gawing literal ang mga pahayag nito.

Naniniwala ang alkalde na expression lamang ito dahil sa frustatration na sa kabila ng limang buwan na quarantine ay patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Base sa datos hanggang kahapon , may 176 ang confirmed cases ng COVID-19 sa Barangay Holy Spirit.

Nasa 10 na ang namatay, 123 ang nakarekober at 43 ang active cases na patuloy pang sumasailalim sa medical treatment.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.