QC Rep. Castelo, Hinimok na gawing tax-free ang mga gadget para sa distance learning

Hinimok ni Quezon City Representative Precious Hipolito Castelo ang pamahalaan na alisin ang tax na ipinapataw sa mga gadget tulad ng computer, mobile phone, at tablet na kinakailangan para sa virtual at blended learning modality.

Ayon sa mambabatas, kung gagawin itong tax free ay mapapababa nito ang presyo ng naturang mga kagamitan upang maging affordable naman para sa mga kapos na mag-aaral at guro.

Inihalimbawa pa ni Castelo ang kwento ng isang tatay mula sa Bicol na nakikipag-barter ng kanyang mga alagang manok upang mabilhan ng kagamitan ang kaniyang mga anak.

Muli ring kinalampag ng kinatawan ang telecommunications companies na palakasin ang kanilang internet connectivity.

Aniya noong nakaraang lockdown ay nagawa naman ng mga telco na i-boost ang kanilang internet speed kaya’t wala dapat maging problema na ipagpatuloy nila ito lalo na para sa mga mag-aaral sa malalayong lugar.

“They can do that if they want to.  During the recent lockdown, they offered to boost signals for free.  Internet became faster.  Now, it’s back to snail pace.  Actually, you can have faster Internet if you pay more, which means telcos can do it,” giit ng kongresista.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.