Quo warranto vs. Associate Justice Marvic Leonen, pinag-aaralan nang ihain sa SC

Inihahanda na ang Qou Warranto Petition na isasampa laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen dahil sa makailang beses nitong mabigo na maghain ng kanyang Statement of Asset Liabilities and Networth (SALN) noong siya ay professor pa ng University of the Philippines.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Larry Gadon matapos makuha ang mga impormasyon na inilabas ng koluminstang si Rigoberto Tiglao ng pahayagang The Manila Times.

Sinabi ni Gadon na sumulat na siya sa Office of Solicitor General upang ihanda ang Qou Warranto petition laban kay  Leonen.

Sa kanyang liham sa OSG, dapat din daw ipatupad kay Leonen ang kaparehong Quo Warranto proceedings na inihain laban kay dating Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno na nabigo noon na maghain ng kanyang SALN.

Si Sereno ay napatalsik bilang Chief Justice matapos katigan ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang qou warranto na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

Base sa isinulat ni Tiglao, hindi umano naghain ng kanyang SALN si Leonen noong siya ay professor ng UP Diliman noong mga taong 2003, 2008, at 2009.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.