Raffy Tulfo inalok ni Pacquiao na maging VP niya

Isiniwalat ng kilalang brodkaster at senatorial aspirant na si Raffy Tulfo na inalok siya ni Senador Manny Pacquiao na makatambal niya bilang vice-presidential candidate sa Halalan 2022.

Si Pacquiao ay naghain ng kandidatura sa pagka-pangulo sa darating na halalan.

Ito ang sinabi ni Tulfo sa panayam ng ANC ngayong Lunes, Oktubre 18.

“It was the camp of Sen. Manny Pacquiao and I courteously turned it down,” sinabi ni Tulfo.

“Sinabi ko na napakabilis naman ata agad yun bang paglundag, vice president agad. Sabi ko, isa pa, hindi ko puwedeng banggain si Pangulong Duterte dahil siya’y kaibigan ko. Isa pa, nandiyan si Sen. Tito Sotto, di ko rin puwedeng banggain. Pumayag naman sila,” dagdag pa niya.

Matatandaan na naunang napabalita na tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban na maging bise-presidente ngunit kalaunan ay si Senador Christopher ‘Bong’ Go ang tumakbo sa naturang posisyon.

Sa ngayon, bahagi si Tulfo ng senatorial slate ng kampo ni Pacquiao.

Si Deputy Speaker at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na lamang ang nakatambal ni Pacquiao bilang bise-presidente niya.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.