Rally para sa ika-34 na anibersaryo ng Mendiola Massacre ikinasa ng mga militanteng grupo

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga iba’t-ibang militanteng grupo sa Mendiola sa paggunita ng ika-34 na anibersaryo ng Mendiola Massacre.

Unang nagsimula ang rally ng mga militanteng grupo sa harap ng University of Sto. Tomas sa España Boulevard hanggang sa makarating sila ng Mendiola pero nakaabang na ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) kaya’t sa gitna na lamang ng kalsada sila nagsagawa ng programa.

Panawagan nila sa kasalukuyang administrasyon na itigil na ang pagkamkam ng mga lupa ng mga magsasaka, pamumulitka, red tagging, unahin ang kapakanan ng mga mahihirap, at huwang gawing dahilan ang pandemya.

Nais din ng mga militanteng grupo na maresolba na ng kasalukuyang administrasyon ang problema sa pamamahagi ng lupa sa ilalim ng Land Reform Program.

Sa huli, hustisya ang panawagan ng militanteng grupo sa mga nasawing magsasaka na tanging karapatan lamang sa lupa ang ipinaglalaban.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.