Rappler CEO Maria Ressa at dati nitong reporter, guilty sa kasong cyber libel

Hinatulan ng guilty ng Manila Regional Trial Court si Rappler Excutive Editor Maria Ressa at dati nitong reporter na si Reynaldo Santos Jr., nang paglabag sa cyber libel.

Base sa inilabas na desisyon ng Manila RTC Branch 46, nahaharap sina Ressa at Santos sa anim na buwan hanggang anim na taong pagkakakulong.

Inatasan din ng naturang korte ang dalawang akusado, na bayaran ang private complainant na si Wilfredo Keng ng P200,000 para sa moral damages, at P200,000 para naman sa exemplary damages.

Wala namang nakitang corporate liability ang nasabing korte sa Rappler Incorporated.

Habang noted naman ang naging sagot ng Manila RTC branch 46 sa mosyon na isinimute ng United Nations Special Rapporteur on the Promotion and Protection of the right to Freedom of Opinion and Expression.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.