Rappler CEO Maria Ressa inaresto ng NBI sa kasong cyber libel

watch the video here:

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang Rappler CEO at executive editor na si Maria Ressa nitong Miyerkules, Pebrero 13, na may kinalaman sa kasong cyber libel na isinumite sa Department of Justice (DOJ).

Dakong alas-5:00 ng hapon, nagtungo ang opisyal ng NBI sa Rappler office sa Pasig City upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Ressa.

Inilabas ang naturang arrest warrant nitong Martes, Pebrero 12, ni Presiding Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46.

Inirekomenda ng DOJ ang paghahain sa korte ng cyber libel charges laban kay Ressa at dating Rappler researcher Reynaldo Santos, Jr. kaugnay sa istoryang nailimbag noong nakaraang Mayo 2012 – o 4 buwan bago maisakatuparan ang batas na kanilang nilabag.

Nag-ugat ang kaso na isinumite sa DoJ ng complaint na si Wilfredo D. Keng, isang negosyante, na kinilala sa nasabing artikulo ng Rappler, na may-ari ng SUV na ginamit ni Corona sa panahon ng kanyang impeachment trial.

Ayon kay Keng, hindi niya inirereklamo ang sinasabing pag-aari ng nasabing sasakyan kung hindi ang sinasabing sangkot siya sa iligal na droga at human trafficking, base na rin sa intelligence reports.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.