Rappler CEO Maria Ressa naghain ng ‘not guilty’ vs. tax evasion charges

Naghain ng ‘not guilty’ plea si Maria Ressa sa Pasig Regional Trial Court kaugnay sa kanyang ika-limang tax evasion charges.

Sa kanyang tweet, nakasaad ang “pleaded NOT GUILTY.”

Nag-ugat ang kaso dahil umano sa hindi pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa VAT return ng Rappler noong 2nd quarter ng 2015. May hindi raw nabayaran na halos P200,000 ang kumpanya.

Maaalalang may mga akusasyon na pineke umano ang tax return ng hinahawakan nitong news site.

Kasama na ritong isinasaan na may scheme ang Rappler kung saan pinapayagan ang mga dayuhan na magkaroon ng shares sa domestic media firm.

Sa kabila nito, nanindigan naman ang Rappler na walang kahit anong share ang mga dayuhan sa kanilang ari-arian.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.