Rappler kakasuhan ni BBM dahil sa pagpapalabas ng umano’y fake news

Tinawag na ‘fake’, ‘false’ at ‘misleading’ ng kampo ng natalong vice presidential candidate na si Bongbong Marcos ang lumabas na report ng Rappler kung saan nais umano ipabago ni BBM ang imahe ng kanilang pamilya sa Cambridge Analytica.

Saad ng spokesperson ni Bonbong na si Vic Rodriguez, hindi umano lumapit o nakipag-usap ang senador sa Cambridge Analytica, at nalaman lang ang kontrobersya sa media.

“Former Senator Marcos never reached out to them and, like most of us, was only made aware of Cambridge Analytica’s existence through reports of its controversial activities in the media,” paliwanag ni Rodriguez.

Aniya pa, ginagamit lang umano ng Rappler ang pamilya Marcos para mapagtakpan ang isyu tungkol sa kredibilidad ng news site, kung saan matatandaan na hinatulan ng guilty ang Rappler CEO na si Maria Angelita Ressa sa kasong cyberlibel na sinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng.

“The timing of this news story is nothing more than a marketing ploy meant to drum up support for their beleaguered news blog site,” saad pa ni Rodriguez.

Maghahanda ng legal action ang kampo ni BBM laban sa Rappler dahil sa pagpapalabas ng umano’y fake news.

Sa report ng Rappler, kanilang nakapanayam si whistleblower Brittany Kaiser kung saan sinabi nito na lumapit sa Cambridge Analytica si BBM para i-rebrand ang kanilang pamilya, kung saan sangkot sa iba’t ibang kontrobersya dulot ng dating Pangulo Ferdinand Marcos.

“In a particular instance where the history of a family and an individual is important for the public to know, then this type of work is extremely dangerous,” ayon kay Kaiser.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.