Red-tagging vs. Makabayan bloc, hinimok na iakyat sa COMELEC at House Ethics Committee

Muling ipinaalala ni House Minority Leader Joseph Stephen Paduano, na may tamang venue para kwestyunin ang umano ay ilegal na aktibidad ng ilang kongresista.

Ito ay sa gitna pa rin ng red-tagging sa miyembro ng Makabayan bloc na bahagi ng minorya sa Kamara.

Ayon kay Paduano, kung may sapat na ebidensya ay maaaring maghain ng reklamo sa korte, Commission on Elections, at House Ethics Committee, laban sa mga kinatawan ng partylist groups na Bayan Muna, Gabriela, ACT Teachers at Kabataan.

Punto ni Paduano, bilang mga elected official ano mang alegasyon laban sa kanila ay dapat idaan sa due process, at tamang forum upang madepensahan nila ang kanilang mga sarili.

Iniuugnay ang naturang mga kinatawan bilang miyembro ng CPP-NPA-NDFP.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.