Registration ng 39 partylist groups posibleng makansela – Comelec

Ayon sa Comelec, ang kabiguan na makakuha ng hindi bababa sa dalawang porsyento ng mga boto para sa party-list system, pagkabigo na makakuha ng pwesto sa second round ng seat allocation para sa party-list system sa huling dalawang naunang nagdaang halalan at pagkabigo na lumahok sa huling dalawang unang halalan bilang mga kadahilanan.

Kabilang sa mga party-list groups na kinokonsiderang kanselahin ang kanilang registration dahil sa kabiguan na makakuha ng hindi bababa sa dalawang porsyento ng mga boto para sa party-list system ,pagkabigo na makakuha ng pwesto sa second round ng seat allocation para sa party-list system sa huling dalawang naunang nagdaang halalan ay ang mga sumusunod.

Alay Buhay Community Development Inc. (Alay Buhay), Adhikaing Tinataguyod ng Kooperatiba (Ating Koop), Alliamce of Volunteer Educators (AVE), Abakada Guro (Abakada), Barangay Natin (Banat), Abante Mindanao Inc. (Abamin), Append Inc. (Append), Ang Nars Inc.(Ang Nars), Ang Tao Muna at Bayan (Tao Muna), Ako An Bisaya, Alliance of Natio al Urban Poor Organizations Assembly Inc. (Anupa), Confederatiin of Non-stock Savings and Loan Association Inc. (Consla), Academicians, Students and Educators Alliance Inc. (ASEAN), Amepa OFW Access Center Inc. (Amepa OFW), Federation of International Cable TV and Telecommunications Associations Inc. (FICTAP), Global Workers and Family Federation Inc. (Global), Kaisahan ng mga Maliliit na Magsasaka (KMM), Movement for Economic Transformation and Righteous Opportunitues (Metro), Partido Manggagawa (PM), Sandigan ng mga Manggagawa sa Konstruksyon (Samako), Sinag Tungo sa Kaunlaran (Sinag), Tanggol Maralita Inc. (Ito Ang Tama), Tinderong Pinoy Party, Tribal Communities Association of the Philippines (TRICAP), Union of Nationalist Democratic Filipino Organization (UNIDO), Alliance of Philippine Fishing Federations Inc. (ALL-FISH), Awareness of Keepers of the Environment Inc. (Awake), Kapatirang Magmamais ng Pilipinas Inc. (Kamais), Partido ng Bayan ang Bida (PBB), at One Bagong Ahapo ng Pilipinas (1-Ahapo).

Siyam namang party-list groups na kinokonsiderang makansela ang kanilang registration dahil sa kabiguang lumahok sa nagdaang dalawang unang halalan ay ang mga sumusunod.

Advance Community Development in New Generation (Ading), 1-A Action Moral and Values Recovery Reform of the Philippines Inc. (1-AAMOVER), Una ang Pamilya (Ang Pamilya), Ang Galing Pinoy (AG), Alagad Party-list (Alagad), Allian e for Nationalism and Democracy (ANAD), Kapatiran ng mga Nakulong na Walang Sala (Kakusa), Kalikasan Party-list, at Usa An Aton Nahigugma Nga Iroy Nga Tuna (1-Aani).

Batay sa RA No.7941, maaring kanselahin o alisin ng Comelec ang party-list matapos na meberipika ang reklamo ng sinumang interesadong partido pagkatapos ng angkop na pagdinig , ang registration ng anumang party-list group organization o coalition sa kabiguan na makilahok sa nagdaang dalawang halalan o pagkabigong makakkuha ng hindi bababa sa dalawang porsyento ng boto sa ilalim ng party-list system sa dalawang nagdaang elections.

Habang ang mga party-list na rehistrado na nagpamalas ng kanilang pagnanais na lumahok sa party-list election ay maaring lumahok sa mga party-list elections , base na rin sa nakasaad sa RA. No.9366.

“In performance of this mandate, we are notifying the following party-list organizations that their respective registrations are being considered for removal or cancellation by the Commission,” ayon sa poll body sa kanilang abiso nitong Pebrero 5.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.