Regular na pagharap ni PRRD sa publiko, Patunay na kaya niyang gampanan ang tungkulin, Petisyon na isapubliko ang health records, ibinasura ng SC

Ang regular na pagharap sa publiko ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa ginagawang pagtugon ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ay nagpapatunay na aktibo niyang nagagampanan ang kanyang tungkulin, ayon sa Supreme Court (SC).

Sa limang pahinang resolusyon na may petsang Mayo 8 na inilabas noong Hulyo 8, ibinasura ng SC – for lack of merit – ang petisyon ni Atty. Dino de Leon na naglalayong isapubliko ng Malacañang ang lahat ng “medical results and health bulletins” ng Pangulo at obligahin ito na sumailalim sa “confirmatory medical examinations”.

Ayon pa sa SC, “The Court also deems it proper to emphasize that in the recent months, the President has been visibly holding regular Cabinet meetings, belying petitioner’s insinuation that the President is suffering from serious illnesses.”

Sa pagbabasura sa petisyon para sa a writ of mandamus, ipinaliwanag ng SC na ang writ of mandamus “will not issue to compel an official to do anything which is not his/her duty to do or which it is his/her duty not to do, or to give to the applicant anything to which the latter is not entitled by law.”

Dagdag pa ng korte kung bakit ibinasura ang petisyon, “Apparently, petitioner’s allegation that the President is seriously ill is unsubstantiated and is based merely on petitioner’s surmises and conjectures regarding his perception of the declining health of the President.”

Itinatakda ng Article 7, Section 12 ng 1987 Constitution na ideklara ng Pangulo ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan “in case of serious illness.”

Nakararamdam ang Pangulo ng “muscle spasms, chronic back pains and migraines”. Mayroon din siyang myasthenia gravis, “a chronic autoimmune neuromuscular disease that weakens skeletal muscles responsible for breathing and moving parts of the body”.

Inamin din ng Pangulo na mayroon siyang Barrett’s esophagus, “a potentially serious complication of gastroesophageal reflux disease”, at Buerger’s disease, “a rare disease of the arteries and veins in the arms and legs”.

Sa kabila ng kanyang edad at problema sa kalusugan, laging sinasabi ng Pangulo sa publiko na mananatili siyang malakas para sa kanyang trabaho at kaya niyang gampanan ang mandato bilang pinakamataas na halal na opisyal ng ating bayan.

Labintatlong mahistrado ang sang-ayon sa desisyon habang nagsumite naman sina Associate Justices Benjamin Caguioa at Marvic Leonen ng hiwalay na kontrang opinyon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.