Rehabilitasyon ng Manila Bay 70% nang kumpleto -DENR

Maari nang mabuksan sa publiko ang Manila Bay ngayong buwan ng Hunyo o Hulyo dahil 70% na itong kumpleto ayon sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.

Ayon kay DENR Usec. Jonas Leones, patapos na ang beach nourishment at dredging activities sa Manila Bay.

Aniya, mula nang sinimulan ang rehabilitasyon sa lugar, wala nang tigil ang kanilang operasyon pero naantala ito kaunti dahil sa pandemya.

Paglilinaw rin ni Leones, hindi pagre-refill ng mga dolomite ang ginagawang aktibidad ngayon sa Manila Bay taliwas sa iniisip ng karamihan.

“So, ‘yung mga dolomite na nakikita ninyo it’s not refilling. It is just completing yung requirement, yung required standard na binigay ng DPWH sa kapal ng dolomite. Kasi ang ginawa natin doon kulang pa yun. So, we need to comply with the requirements sa ngayon,” ayon kay Leones.

Hanggang 500 meters replenishment ng white sand.

Dagdag din ng Usec, ang mga nakatambak na grey sand ay ang gagawing pang-refill sa mga nahukay na putik at pollutants o dumi sa dagat.

Aniya, ito ay para maabot ang water quality standard na nire-require ng Supreme Court.

Ayon kay Leones, maliban sa pagpapaganda ng Manila Bay, ang pinakalayunin nila ay ang mapabuti ang water quality ng lugar.

Unti-unti na ring natatapos ang sealing o pagtatakip sa mga outfalls o yung outlet na dinadaan ng mga tubig at dumi para makontrol ang pag-discharge ng mga untreated wastewater.

“But ngayon nakaaddress kami sa water quality natin doon. Lahat ng illegal pipes ng mga discharge na nakikita natin doon. Nasarado na natin yun. So, we are hoping that we can meet the standard na soon kung we will be able to close na lahat ng outfalls dun sa Manila Bay,”ani Leones.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.