Relasyon ng Pilipinas at US sa VFA termination hihina ayon kay Senador Drilon

Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na hihina ang ugnayan ng Pilipinas at Amerika oras na tuluyan nang matuldukan ang visiting forces agreement (VFA).

Sinabi ito ni Drilon matapos opisyal na maipadala ng ating gobyerno sa US ang notice of termination sa naturang kasunduan.

Binigyang-diin ng minority leader, na malaki ang magiging epekto ng terminasyon ng VFA sa bansa lalo na sa ilang aktibidad, tulad ng pagbibigay ng intelligence information sa ating militar.

Bukod dito, malaki rin aniya ang naitulong ng mga Amerikano sa panahon ng kalamidad dahil kadalasang sila ang nauunang rumesponde sa mga nasasalanta, gayundin ang kanilang tulong sa pagsasanay at pag-upgrade ng mga kagamitan ng ating mga sundalo.

Sa sesyon kahapon, hiniling ni Drilon sa Senate Foreign Relations Committee na talakayin na ang Senate Resolution 305.

Ito ang panukalang nag gigiit na magkaroon ng boses ang Mataas na Kapulungan ng kongreso sa pagkakansela o pag-aamyenda sa anumang kasunduan.

Gaya aniya ito ng nagiging papel ng Senado tuwing raratipikahan o aaprubahan ang isang kasunduan o tratado.

Ayon sa senador, mahalagang matalakay na ang naturang resolusyon lalo’t mayroong posibilidad na maiakyat ang usapin sa Korte Suprema kasundo na rin ng termination ng VFA

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.