Renta sa bahay, hindi muna dapat singilin — Sen. Poe

Ngayong pirmado na ang Bayanihan to Heal as One Act, tigil na rin muna dapat ang paniningil ng renta ng mga bahay habang nasa ilalim tayo ng enhanced community quarantine ayon kay Senator Grace Poe.

Giit ng senator, layon nitong maibsan ang alalahanin ng ating mga kababayan lalo na yung mga arawan dati kung sumahod.

Bukod pa sa hindi muna paniningil, ay dapat ring hindi muna patawan ng interes, penalty o ano mang charges ang mga nangungupahan, alinsunod na rin sa 30-day moratorium sa kanilang rental payments.

Kagabi ay napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bayanihan to Heal as One Act, na layong bigyan ng dagdag na kapangyarihan ang Pangulo upang tugunan ang krisis na kinakaharap ng bansa sa coronavirus disease (COVID-19).

Kasabay nito, ay nanawagan si Poe na bilisan na ng gobyerno ang pagbibigay ng cash subsidy sa mga low-income household.Sa ilalim ng naturang batas, mabibiyayaan ng ₱5,000 to ₱8,000 financial aid kada buwan ang nasa 18 milyong pamilya sa loob ng dalawang buwan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.