Rep. Barbers, Mail-in voting, hindi uubra sa Pilipinas

Naniniwala si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na malabong maisakatuparan sa ngayon sa Pilipinas ang mail-in voting gaya ng ginawa sa US elections.

Ayon kay Barbers, hindi maiiwasan na pati ang mail box na naglalaman ng mga boto ay maagaw dahil ultimo ballot box ay naaagaw pa rin sa ilang remote areas sa bansa.

Iba rin aniya kasi ang kultura at sitwasyon ng mga Amerikano at mga Pilipino kung saan hindi nawawala ang suhulan dito sa bansa.

Hinimok naman ni Barbers ang COMELEC na mag-isip ng iba pang kaparaanan maliban sa mail-in voting kung paano maidaraos ang botohan sa 2022 sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic tulad na lamang ng pagdaragdag o extension sa araw o oras ng botohan.

Hindi naman sang-ayon si Agusan del Norte Representative Lawrence Fortun na i-tap ang Philippine Postal Corporation o PhilPost na manguna sa posibleng mail-in voting.

Bukod sa may limitasyon sa tauhan at kakayanan sa pagbibigay serbisyo, vulnerable o lantad din ito sa  political influence mapa-local o national level man.

Isang panukalang batas ang nauna nang inihain ni Marikina Representative Stella Quimbo na nagsusulong para sa mail in voting ng mga senior citizen.

Sa ilalim ng House Bill 7572 bibigyang kapangyarin ang Commission on Elections (COMELEC) na payagan, kung kinakailangan, ang postal voting o pagboto ng mga senior citizen gamit ang koreo.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.