Rep Bernadette Herrera, Laptop para sa public school teachers, dapat mapabilang sa popondohan sa 2021 nat’l budget

Pinatitiyak ni Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera, na paglalaanan ng pamahalaan ng pondo para sa susunod na taon ang mga laptop na gagamitin ng nasa 880,000 guro sa pampublikong paaralan.

Ayon sa mambabatas, higit ngayong kailangan ng mga guro ng laptop upang makasabay sa new normal sa edukasyon.

Tinatayang aabot sa P27 billion ang kakailanganin, upang mabigyan ng laptop ang bawat guro sa pampublikong paaralan.

Una nang sinabi ng Department of Education (DepEd), na 190,574 laptop lang ang maibibigay nila sa mga guro o katumbas ng 22 percent lang ng teaching force nito.

Ayon kay Herrera, ang nalalabing 78 percent o 680,000 teachers ang maaaring pondohan ng pamahalaan para sa susunod na taon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.