Rep. Biazon pinamamadali ang panukalang batas na magbibigay ng minimum 10mbps na internet connection sa bansa

Pinamamadali na ni Muntinlupa Representative Ruffy Biazon na maipasa ng Kamara ang House Bill 38 o ang Faster Internet Services Act na magbibigay ng minimum na 10 megabytes per second (mbps) na internet connection speed.

Kasunod ito ng insidente kung saan nasawi ang dalawang magkapatid sa Bohol matapos makuryente habang inaayos ang kanilang internet device na gagamitin para sa online class.

Sa ilaim ng panukala ay oobligahin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ISPs at Public Telecommunications Entities (PTEs) na magbigay ng minimum download speed na 10mbps sa lahat ng broadband internet access, mapa-mobile, fixed, o fixed wireless internet.

Para naman maipatupad ito ay kailangang i-modify o ayusin ang mga linya ng telekomunikasyon o kaya ay palawigin ang mga imprastraktura para makapagpatakbo ng mas mataas na bandwidth capacity na ibabatay sa bilang ng mga subscribers na gumagamit ng kanilang serbisyo.

Nakapaloob din sa panukala na papatawan ng multang ₱5-million ang alinmang ISP o PTE na hindi makakasunod sa hinihinging minimum internet connection speed.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.