Rep. Defensor mamimigay ng libreng Ivermectin sa QC

Sa kanyang Facebook post, kinumpirma ni AnaKalusugan party-list Rep. Mike Defensor na mamimigay siya ng libreng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City.

Ang Ivermectin, na isang anti-parasitic drug na sinasabing mabisang gamot kontra COVID-19, ay hindi pa aprubado o rehistrado ng Food and Drug Administration (FDA) para gamiting gamot ng tao.

Una nang sinabi ni Defensor na uminom siya ng Ivermectin nang magpositibo siya sa COVID at nakatulong umano ito sa paggaling niya kung kaya’t isa siya sa humihiling sa FDA na pahintulutan ang paggamit nito.

Ayon kay Defensor, libre niyang ipamimigay ang Ivermectin at prayoridad ang mga senior citizen at mga sakitin.

“Sagot ni Cong. Mike Defensor ang IVERMECTIN niyo habang wala pa ang bakuna,” nakasaad sa Facebook post ng kongresista na sinundan ng, “Uunahin muna ang mga may sakit, ang mga senior citizens habang limitado pa ang suplay ng IVERMECTIN.”

Sagot ni Cong. Mike Defensor ang IVERMECTIN niyo habang wala pa ang bakuna.

Uunahin muna ang mga may sakit, ang mga…

Posted by AnaKalusugan Partylist Cong. Mike Defensor on Sunday, April 4, 2021

Sa hiwalay ng pahayag, nilinaw ni Defensor na kailangan may kasama pa ring prescription partikular kung paano ito inumin at dami batay sa timbang at sa may COVID kailangan may susunding protocol.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.