Rep Edcel Lagman, Cayetano may kinalaman sa pagbasura ng prangkisa ng ABS-CBN

Posible umanong may kinalaman o gumalaw ang kamay ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa botohan sa hirit ng bagong prangkisa ng ABS-CBN sa komite sa Kamara.

Ito ay ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman na bumoto pabor sa pagbibigay sana ng prangkisa sa broadcast giant kung saan idiniin niya na ni isa sa mga alegasyong ipinupukol sa ABS-CBN ay hindi napatunayan – “not one of these sections was proved to have been violated by ABS-CBN.”

“The result of the voting would show the hand of the Speaker wherein regular and voting ex-officio members of the Committee on Legislative Franchises, over whom the Speaker has overriding influence, are expected to vote for the rejection of the franchise renewal as they would refuse to see that the facts and the law indubitably in favor of ABS-CBN,” giit ni Lagman.

Sa simula pa lamang ng botohan ay nagpaalala na si Cayetano na dapat mamayani ang kabutihan para sa bayan.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.