Rep. Elago ‘di nababahala sa petisyong pagkansela ng Kabataan party-list registration

Hindi nababahala si Kabataan Party-list Representative Sarah Jane Elago sa petisyon ng anti-insurgency task force upang kanselahin ang party-list sa pagsali sa susunod ng eleksyon.

Ayon kay Lawyer Marlon Bosantog, NTF-ELCAC spokesperson at National Commission on Indigenous People (NCIP) Regional Director ng CAR na dapat madiskwalipika ang party-list sa umano’y pagkakaugnay nito sa komunistang grupo.

“Hindi totoo, walang bago, at ilang beses ng binasura ang mga gawa-gawang kaso nila. We’re unbothered; super focused now on our constituency work and advocacy campaigns,” sinabi ni Elago sa GMA News.

“Sasagutin din namin ang mga maling akusasyon at kasinungalingan nila sa hinain nila sa COMELEC, habang patuloy ang trabaho at pagsusulong ng interes at kapakanan ng mga kabataan!” giit pa ng mambabatas.

Ayon pa kay Bosantog na ang paratang ay batay sa isang saksi na umano’y dating miyembro ng Kabataan party-list at dating cadre ng Communist Party of the Philippines at New People’s Army.

“This also confirmed that Kabataan Partylist is a creation of the CPP-NPA to overthrow the government,” punto ni Bosantog.

Sinabi ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na ayon kay Alms Gabin, dating education department secretary ng CPP-NPA Visayas Regional Party Committee na parte siya ng pagbuo ng Konstitusyon ng Kabataan party-list.

Ayon pa sa task force na ang pangunahing layunin nito ay isulong “the CPP-NPA ideology in the House of Congress and destabilize the government.”

Batay pa kay Gabin na hindi itinatabi ni Elago ang sahod nito mula sa Kongreso na aniya’y dapat mapunta ang nalalabing pondo para sa panghihikayat sa sumalimsa aktibidad ng CPP-NPA.

“Sana po gumulong na ang aming isinampang kaso laban sa NTF-ELCAC officials dahil wala na ngang naitutulong, sobrang mali at mapanganib pa sa kabataan ang ginagawa nila. We must hold them accountable,” giit ni Elago.

Aniya na malaking kahihiyan at “waste government’s resources and time” ang NTF-ELCAC.

“We have launched our 2021 State of the Youth Address since our 20th anniversary this June. Much more needs to be done for ‘ayuda’ measures, health and education relief, student aid, wage subsidies, employment support, among other youth and people’s priorities amid the pandemic and economic recession,” dagdag ng mambabatas.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.