Rep Eric Yap, Pagpapalit ng pangalan ng NAIA, para maalis ang negatibong imahe

Dinepensahan ng mambabatas ang umano’y kritisismong natanggap sa isinusulong na pagpapalit ng pangalan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sinabing ito ay “high time” para maalis ang negatibong imahe nito.

Iniakdaan nila ACT-CIS Party-List Rep. Eric Go Yap, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco, at Deputy Speaker Paolo Duterte ang panukalang palitan ang NAIA sa Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas (PPP).

“Along with this recognition, it is high time to rename NAIA so we could finally let go of its negative image. With this name change, we are presenting a positive and objective image to our international airport,” pahayag ni Yap.

Maaalalang inulan ng batikos ang umano’y naging hakbang sa kabila ng kinakaharap na pandemya ng bansa.

Tinawag naman itong ‘ill-timed’ ni Vice President Leni Robredo.

Ngunit batay kay Yap, prayoridad pa rin ng mga mambabatas ang COVID-19 response.

“We are not imposing this HB (House bill) to be a priority measure… Our focus is still on addressing COVID-19 in the country,” lahad ni Yap.

Itinanggi rin nito ang pag-discredit kay Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr.

“We are not discrediting the heroic contributions of late Senator Aquino with this proposal. We just deem it more appropriate for our international airport to bear the name of the country. Instead of it reflecting just one hero, we want it to reflect our everyday heroes – the Filipino people,” paliwanag pa ni Yap.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.