Rep Eric Yap, Pumalag sa pagkakadawit ng Kamara bilang institusyon sa umano’y korapsyon

Pumalag si ACT-CIS Partylist Representative Eric Yap sa pagdawit ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa mga miyembro ng Kamara sa korapsyon sa ilang local Department of Public Works and Highways (DPWH) project.

Ayon kay Yap, dapat ay naglabas din ng ebidensya at pinangalanan ng PACC ang naturang mga mambabatas na umano’y sangkot sa katiwalian sa DPWH.

Punto ni Yap, dahil sa hindi pagsasapubliko ng pangalan ng naturang mga mambabatas ay para na rin nitong sinabi na ang buong institusyon na kanilang kinakatawan ay sangkot sa katiwalian.

Hindi rin aniya patas na madamay ang buong institusyon sa naturang mga paratang dahil sa bukod sa kanilang mga mambabatas ay tila nabastos rin aniya ang nasa mahigit 4,000 na empleyado nito.

Una nang sinabi ni House Speaker Lord Allan Velasco na bukas ang Mababang Kapulungan sa isasagawang imbestigasyon sa naturang isyu.

Handa rin ani Yap ang Kamara na i-exercise ang oversight function nito para tumulong mag-imbestiga sa iba pang mga ahensya kung saan laganap ang korapsyon.

Nabanggit rin ng mambabatas na oras na mapatunayang mayroon ngang katiwalian sa naturang ahensya ay imumungkahi nito ang pagbawas o pag-alis ng pondo dito para sa susunod na taon.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.