Rep. France Castro, Pag-alis sa Makabayan Bloc sa Kongreso ikagagalit ng publiko

Mas ikagagalit umano ng puliko ang pag-alis ng Makabayan Bloc sa Kongreso ayon kay ACT Teachers party-list Representative France Castro.

“Hindi ang pagpapatanggal sa amin ang magpapahina o magpapatalo sa CPP-NPA kung iyon ang gusto nilang mangyari. Mas marami lamang mamamayan ang magagalit at lalaban sa administrasyong prayoridad ang atakihin ang mga lehitimong panawagan ng mamamayan sa gitna ng pandemiya at matinding krisis pang-ekonomiya,” pahayag ni Castro.

Giit pa ni Castro na hinahamak umano ng administrasyon ang panawagan nilang taas-sweldo, dagdag-benepisyo, at proteksyon sa mga hindi makataong polisiya.

Matatandaang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang presensya ng Makabayan Bloc ay magpapalakas sa pwersa ng mga komunistang grupo.

Nanindigan naman ang nasabing grupo na hindi sila sangkot sa mga rebelde.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.