Rep. Fredenil Castro, itinalagang bagong Deputy Speaker

Itinalaga bilang bagong Deputy Speaker si Capiz Rep. Fredenil Castro matapos alisin si 1-PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero.

Ito’y ilang oras lamang matapos ang privilege speech ni Castro kung saan nanawagan ito sa mga kongresista na kaalyado ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco na may posisyon sa liderato ng Kamara na umalis na sa puwesto.

Si Romero ay malapit na kaalyado ni Velasco at kasama rin na nagtungo sa pulong sa Palasyo noong Martes kasama si House Speaker Alan Peter Cayetano at Pangulong Rodrigo Duterte.

Kapwa naman inihayag nina PBA Rep. Jericho Nograles at AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin, na insulto sa Partylist Coalition ang pagsibak kay Romero na tumatayong presidente nito.

Ang Partylist Coalition ang ikatlo sa pinakamalaking bloc sa Kamara na binubuo ng 52 mga kongresista.

Facebook Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.